Panukalang magpalabas ng karagdagang ₱1.5B pisong pondong budget para sa mga LGUs na naapektuhan ng bagyo, aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magpalabas ng karagdagang 1.5 bilyong pisong pondong budget para sa mga Local Government Units (LGUs) na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, makikinabang dito ang dalawampu’t dalawang (22) probinsya at tatlong siyudad sa Metro Manila.

Kinabibilangan ito ng Albay, Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Ilocos Norte, Isabela, Laguna, Masbate, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Quezon Province, Quirino, Rizal, Sorsogon, at Tarlac.


Habang ang Quezon City, Marikina at Manila naman ang kabilang sa makakatanggap ng pondo sa Metro Manila.

Paglilinaw naman ni Roque, hiwalay pa ang 1.5 bilyong pisong pondo sa unang natanggap ng Calabarzon, Mimaropa, at Bicol noong nanalasa ang Bagyong Quinta at Rolly.

Facebook Comments