Panukalang magpapalakas sa field offices ng COMELEC, lusot na sa dalawang komite ng Kamara

Pasado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at sa House Committee on Appropriations ang panukala na magpapalakas sa field offices ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, inaamyendahan nito ang Section 53 ng Omnibus Election Code.

Layunin ng panukala na mas palakasin pa ang mga field offices ng COMELEC sa pamamagitan ng pag-upgrade at pagbuo ng iba’t ibang posisyon at pagtataas ng sweldo at benepisyo ng mga kawani.


Ikinalugod naman ng COMELEC ang hakbang na ito partikular sa panig ng mga empleyado.

Samantala, nakalusot na rin sa House Committee on Appropriations ang pagpopondo para sa panukala na nagsusulong ng “early voting” sa mga kwalipikadong senior citizens at persons with disabilities sa national at local elections.

Umaasa ang panel na maging ganap na batas sa lalong madaling panahon lalo’t napapanahon ito ngayong patuloy ang banta ng COVID-19, kung saan itinuturing na vulnerable sector ang mga nakatatanda at mga PWDs o may mga kapansanan.

Facebook Comments