Panukalang magpapalakas sa tungkulin ng parent-teacher, community associations, pasado na sa Kamara

t5tSa pabor ng 202 mga kongresista at walang tumutol ay inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 9670 o panukalang magtatakda at magpapalakas sa tungkulin ng Parent-Teacher and Community Associations (PTCA) sa pangkalahatang pagpapaunlad ng mga bata.

Aamyendahan ang Presidential Decree No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng early child development center sa mga basic education school na mag-organisa ng PTCA.

Bubuuin ito ng mga magulang, parent-substitutes, guro, community development workers, at mga kinikilalang grupo sa pamayanan mula sa iba’t ibang sektor.


Ang PTCA ay makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan, lungsod, munisipalidad, at school officials.

Para ito sa pagtataguyod ng adbokasiya at pagpapatupad ng mga programa na magtatanggol sa karapatan at mangangalaga sa kapakanan ng mga bata, gayundin ang paglikha ng programang makakatulong sa kanilang pag-unlad.

Facebook Comments