UMak, binulabog ng bomb threat ngayong tanghali

Pinalabas na ngayon ang lahat ng estudyante sa oval ng University of Makati (UMak) dahil sa bomb threat.

Base sa impormasyon mula sa mga estudyante ng paaralan, pina-evacuate na ang lahat ng estudyante at mga personnel ng paaralan kasunod ng pag-inspeksyon at pag-iikot ng Makati City Police kasama ang kanilang Canine(K-9) dogs.

Kung maaalala, ilang ahensya na rin sa Quezon City ang binulabog ng bomb threat maging sa probinsya ng Bataan at sa Olongapo.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing banta ng pambobomba.

Facebook Comments