Sa botong pabor ng 265 mga kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7922 o panukalang magpapalawig sa voucher system para sa mga mahihirap pero deserving na mag-aaral.
Base sa panukala ay isasama na sa benepisaryo ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang mga estudyante na pumapasok sa pampubliko at pribadong higher educational institutions at technical-vocational institutions.
Itinatakda ng panukala ang pagrebisa sa ilang probisyon ng Tertiary Education Subsidy o TES para maisama ang naturang mga kwalipikadong estudyante.
Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na malaking tulong ang panukala para makatapos ng kolehiyo ang mga mahihirap pero deserving students.
Facebook Comments