Panukalang magtatakda at magdedeklara ng maritime zones na sakop ng Pilipinas, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 7819 o panukalang Philippine Maritime Zones Act.

284 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na layuning tukuyin at ideklara ang bahagi ng maritime area ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Base sa panukala, ang maritime zones ng Pilipinas ay binubuo ng internal waters, archipelagic waters, 12 nautical miles territorial sea, 24 nautical miles contiguous zone, 200 nautical miles exclusive economic zone at 200 nautical miles continental shelf.


Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hangad ng panukala na magkaroon tayo ng kalayaang makapagsagawa ng social, economic, commercial at iba pang activities sa maritime zones na sakop ng ating bansa.

Dagdag pa ni Romualdez, kilalanin din ng panukala ang sovereign rites ng Pilipinas sa naturang mga lugar kabilang ang karapatan na i-explore at i-exploit ang mga non-living resources na makiktia rito base sa UNCLOS, mga batas at tratado.

Facebook Comments