Fake accomplishments ng ilang pulis para ma-promote, iniimbestigahan na ng PNP

Inaalam na ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung totoo na pinepeke lang ng ilang pulis ang kanilang accomplishments para ma-promote sila sa pwesto.

Ito ay makaraang ibunyag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at National Police Commission (NAPOLCOM) ang sistema ng PNP sa promosyon at performance ratings ng anti-drug police operatives ay depektibo.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., agad silang nagkasa ng imbestigasyon upang malaman kung ito ba ay totoo.


Paliwanag ni Acorda, regular ang kanilang review sa promosyon ng mga pulis para matiyak na tanging kwalipikado lamang ang umaangat ng pwesto.

Aniya, makikipag-ugnayan sila sa NAPOLCOM para mapunan ang mga gap sa promosyon nang sa gayon ay masolusyunan ang nasabing usapin.

Facebook Comments