Panukalang magtatatag ng Dept. of Water Resources, lusot sa Joint Committees ng Kamara

Aprubado na sa Joint House Panel ng Kamara ang panukalang batas na lilikha ng Department of Water Resources.

Sa ilalim ng panukala, lulutasin nito ang problema sa supply ng tubig.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, iisang ahensya na lamang ang tututok at mangangasiwa sa operasyon ng supply at distribution ng tubig.


Pero para kay Buhay Party-List Rep. Lito Atienza, ang pagtatag ng Department of Water ay posibleng i-antala lamang ang mga solusyon.

Inihalintulad naman ni Sagip party-list rep. Rodante Marcoleta ang panukalang Water Department sa Epira Law na hindi naging solusyon na may kaugnayan sa kuryente.

Inaasahang pagdedebatehan na ang panukala sa Plenaryo.

Facebook Comments