Manila, Philippines – Lusot sa committee level ng Kamara ang Substitute Bill na magtatakda ng fiscal regime para sa industriya ng pagmimina sa bansa.
Binigyang diin ni Ways and Means Committee Chairperson, Nueva Ecija Representative Estrellita Suansing ang kahalagahan ng rationalized fiscal regime para sa lahat ng uri ng mineral agreement.
Sa ilalim ng Substitute Bill, tiniyak na mapupunta sa pamahalaan ang kaukulang bahagi nito mula sa kita ng mga mining operations.
Kaya mananatili ang corporate income tax at iba pa sa mining sector.
Nakapaloob din sa Substitute Bill ang panukala ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipagbawal ang open pit mining sa bansa.
Facebook Comments