Panukalang Maharlika Investment Funds, tuluyan ng lumusot sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6608 o ang panukalang Maharlika Investment Fund o MIF.

279 na mga mambabatas ang bomoto pabor sa panukala at 6 ang tumutol.

Layunin ng MIF Bill na makabuo ng pondo ang Pilipinas na ipupuhunan sa mga negosyo sa loob at labas ng bansa na inaasahang kikita ng malaki para maitulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto para sa mamamayang Pilipino.


Para sa MIF ay mag-aambag ng 25 billion pesos ang Development Bank of the Philippines (DBP), 50 billion pesos naman ang ibibigay ng Landbank of the Philippines, 100 percent dividends ang share ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at gayundin ang sampung porsyento ng gaming revenues mula PAGCOR at iba pang government-owned gaming operators.

Bubuo ng Maharlika Investment Corporation o MIC na siyang mamamahala sa MIF at tatayong chairman ng board of directors nito ang finance secretary.

Magiging miyembro naman ng board ang pinuno ng founding government financial institutions at apat na independent directors na mula sa pribadong sektor, academe, business at investment sector.

Bilang bahagi ng safeguards, ay magkakaroon ng tatlong audit layer – isang external, isang internal at ang Commission on Audit (COA).

Bubuo rin ng advisory body na kabibilangan ng budget secretary, NEDA secretary, 2 miyembro mula sa pribadong sektor, pangulo ng Philippine Stocks Exchange (PSE) at Bankers Association of the Philippines.

Mayroon ding penal provisions na magpaparusa ng 6 hanggang 20 taon at multa na P80,000 hanggang P5 million ang mga lalabag at gagawa ng katiwalian.

25% naman na net profit ng MIF ay ilalaan sa social welfare programs at ang lahat ng mga dokumento ng MIF at MIC ay magiging accessible at bukas sa publiko kasama na ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng board of directors, risk management unit at advisory board.

Facebook Comments