Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 9859 o “Free Professional Examinations Act” na layuning matulungan ang mga mahihirap na estudyante.
Sa ilalim ng panukala ay malilibre na ang mga kwalipikadong mahihirap na Pilipino sa mga pagsusulit na hawak ng Professional Regulation Commission na halagang P900.00 at Civil Service Commission na P500.00.
Inaatasan ng panukala ang Department of Social Welfare and Development na magkakaloob ng “certificate of indigency” sa mga indibidwal na maaaring makalibre sa professional exams.
Nililimitahan naman ng panukala sa isang beses kada taon ang pag-avail sa naturang benepisyo na tiyak pakikinabangan ng mga mahihirap na nagsipagtapos ng kolehiyo, mga beneficiaries CHED Tertiary Education Subsidy at ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.