Bukas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa panukala ng pribadong sektor na magbigay ng diskwento sa mga nabakunahan na laban sa COVID-19.
Gayunman, tutol ang ahensya sa panukala ng mga ito na gawing mandatory ang vaccine pass bilang requirement bago makapasok sa loob ng mga estasblisyimento.
Katwiran ni DTI Secretary Ramon Lopez, bukod sa posibleng maging isyu ito ng diskriminasyon, maliit na porsiyento pa lamang ng bansa ang nababakunahan.
Hanggang May 12, 2021, higit dalawang milyon pa lamang ang nababakunahan o 2% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Ayon kay Lopez, mas mainam na pag-aralan ang nasabing panukala ng mga pribadong sector kapag mataas na ang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccines.
Facebook Comments