Panukalang modernisasyon ng BI, lusot na sa House Committee level

Inaprubahan na ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Rep. Juliet Ferrer ang mga panukala para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI).

Bukod kay Ferrer, may-akda rin ng panukala sina House Minority Leader Marcelino Libanan at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, na kapwa nagsilbing Commissioner ng BI noon.

Aamyendahan ng panukala ang mahigit 80-taong Philippine Immigration Act of 1940 sa layuning mapalakas pa ang BI sa pamamagitan ng re-organisasyon at gawing mas propesyunal ang kagawaran, i-upgrade ang sistema nito at taasan ang sweldo at kompensasyon ng mga kawani.


Ayon kay BI OIC Rogelio Gevero, suportado nila ang panukala upang makapaghatid sila ng “world-class” na serbisyo, at matugunan ang kakulangan ng kanilang pwersa para ipatupad ang immigration laws.

Kapag naging batas ang panukala ay mas matutukan ang pagbabantay sa borders laban sa “undesirable aliens” at pagbibigay proteksyon sa ating mga kababayan na maging biktima ng human at drug trafficking, illegal recruitment, prostitusyon at iba pa.

Facebook Comments