Sinibak na BOC official na sangkot sa sugar smuggling, may kapalit na

76

May kapalit na si dating Bureau of Customs (BOC) Subic District Collector Maritess Martin.

Si Atty. Willie Sarmiento ang papalit kay Martin at limang iba pang matataas na opisyales ng Port of Subic na sinibak dahil sa sinasabing tangkang pagpapalusot ng 7,000 metriko toneladang asukal o 140,000 sako ng asukal mula sa Thailand.

Balik muna sa kanilang opisina ang mga sinibak na opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa isyu.


Ayon sa BOC, ang pagsibak sa mga iniimbestigahan nilang tauhan ay isang standard procedure.

Facebook Comments