Manila, Philippines – Inalis na ang panukalang batas sapagbuhay ng death penalty sa mga inilatag na priority bills ng kongreso, natarget maibatas bago matapos ang buwan.
Ayon kay House Majority Leader Rep. Rodolfo Fariñas,hindi na rin kasama sa priority bills ng Senado at ng House of Representative angpagpapababa ng age of criminal responsibility.
Gayundin ang tax reform at pagpapaliban ng 2017 barangayelections.
Dagdag pa ni Fariñas, labing-apat (14) nalang angpanukalang batas na maaaring maipasa ngayong mayo bago ang ikalawang state ofthe nation ng Pangulong Duterte sa Hulyo.
Kabilang sa mga priority bills ang panukalang batas nalibreng public wifi, pagpapalawig ng validity ng passport at driver’s licenseat pagsama ng casino sa anti-money laundering act.
Nilinaw naman ni Fariñas, ang mga panukalang batas nawala sa priority bills ay target pa din maisabatas ngayong taon.
Samantala, uunahin din ng Kamara ang pagtalakay sainihaing impeachment complaint ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay PangulongDuterte.
Posible anyang simulan ng House Justice Committee ang mgapagdinig sa susunod na linggo.
Panukalang muling pagbuhay sa death penalty – tinanggal na sa mga priority bill ng Kamara
Facebook Comments