Aprubado na ng House Committee on Muslim Affairs na pinamumunuan ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ang substitute bill para sa House Bills 2587 at 3755.
Isinusulong ng nabanggit na mga panukala ang pagkakakaroon ng Muslim Filipino cemetery sa bawat lungsod at munisipalidad na maraming naninirahang mga Muslim.
May akda ng panukala sina Lanao del Sur Reps. Ziaur-Rahman Alonto Adiong, Yasser Alonto Balindong, at Deputy Minority Leader Mujiv Hataman.
Ayon kay Adiong tugon ang panukala sa problema ng mga Pilipinong Muslim sa pagpapalibing sa kanilang mga yumao dahil sa kawalan ng mga sementeryo na akma sa kanilang mga paniniwala at tradisyon.
Sabi ni Adiong, madalas ay ibinabyahe pa nila ang mga sumakabilang-buhay sa kanilang bayan sa Mindanao na lubhang magastos at mahirap para sa nagluluksang pamilya.