Panukalang nagbabawal sa No Permit, No Exam Policy sa paaralan, aprubado na sa House Committee level

Inaprubahan na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukala na magbabawal sa No Permit, No Exam Policy sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na siyang may-akda ng panukala, layunin nito na matuldukan ang problema ng mga estudyante na hindi makakuha ng pagsusulit dahil hindi pa sila bayad sa matrikula.

Giit ni Manuel, sa halip na ipitin ang pagkuha ng exam ay maaaring hawakan na lang ng mga paaralan ang clearance o credentials ng mga estudyante hangga’t hindi pa nakakabayad ng tuition.


Suportado ni Committee Chairman Baguio City Rep. Mark Go ang panukala pero nais nitong magpasok ng amyenda para patas nitong maproteksyunan ang karapatan ng mga mag-aaral at paaralan.

Facebook Comments