Mga Pinoy sa Hong Kong, nakiisa sa panawagang taasan ang kanilang sahod at food allowance

33

Sumama na rin ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nananawagan ng dagdag na sweldo at food allowance.

Bukod sa ilang Pinoy, kasama rin sa lumahok sa demonstrasyon sa Hong Kong ang Migrant Domestic Workers mula Indonesia, Thailand, at Nepal.

Humihirit sila ng HK $6,014 na sweldo kada buwan at HK $3,023 food allowance.


Ilan sa kanila ay naglingkod na sa pamilya ng kanilang employers sa loob ng mahabang panahon kung saan lahat ng trabaho sa loob ng bahay ay kanilang ginagampanan.

Facebook Comments