Panukalang nagdedeklara sa pagpapakasal sa menor de edad bilang krimen, pasado na sa Senado

Courtesy: Senate of the Philippines

Sa botong pabor ng 21 mga senador, lumusot na sa third and final reading ng Senado ang Senate Bill Number 1373 na nagdedeklara na isang krimen ang child marriage o pagpapakasal sa menor de edad o wala pang 18-taong gulang.

Sinumang mangangasiwa sa child marriage ay minimum period ng prison mayor at magmumulta ng P40,000 at diskwalipikasyon na maging public officer.

Maximum period ng prison mayor at P50,000 na multa kapag kapamilya mismo ang gumawa nito.


Nakapaloob sa panukala na wala ring bisa ang kasal ng dalawang menor de edad.

Layunin ng panukala na mabigyan ng pag-asa na gumawa ng sariling kinabukasan ang mga kabataan.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, na siyang principal author ng panukala, base sa report ng United Nations (UN) ay nasa 750 milyong mga babae na wala pang 18-anyos ang ikinakasal.

Binanggit ni Hontiveros na dito naman sa Pilipinas ay tinatayang nasa 726,000 ang mga batang babae na ikinakasal kaya nasa panglabindalawa ang ating bansa sa mga may mataas na ganitong kaso sa buong mundo.

Facebook Comments