Panukalang naglalatag ng ‘new normal’ sa edukasyon, isinulong ni Senator Gatchalian

Inihain ni Senator Win Gatchalian ang Senate Bill No. 1565 o Education in the New Normal Act na nagsusulong ng Safe Schools Reopening Plan (SSRP) na layuning tiyakin na sa panahon ng krisis ay walang mag-aaral ang maiiwan.

Magsisilbing gabay ang panukala sa paghahanda ng sektor ng edukasyon sa ilalim ng tinatawag na ‘new normal’ sa panahong may kalamidad, public health emergency, civil unrest at iba pang mga sakunang sanhi ng suspensyon ng mga klase.

Kabilang sa magiging laman ng SSRP ang mga protocol sa paglilinis ng mga paaralan, pagsasanay sa disease prevention and management para sa mga guro, at pag-monitor at pag-ulat sa kalagayan ng mga apektadong mag-aaral at guro lalo na ‘yong nasa panganib.


Kasama rin dito ang pagkakaroon ng mental health services, life skill classes, at psychosocial first aid para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nakatira sa lugar na apektado ng giyera.

Laman din ng panukala ang abot kayang mga serbisyo para sa mga nangangailangang mga mag-aaral tulad ng may kapansanan at ang pagpapahusay sa kapasidad ng mga paaralan pagdating sa information and communications technology.

Itinatakda rin ng panukala ang pagbuo ng National Safe Schools Reopening Task Force (SSRTF) na pamumunuan ng Department of Education (DepEd) na siyang bubuo at magpapatupad ng SSRP.

Facebook Comments