Panukalang nagpapaliban sa dagdag na kontribusyon sa SSS, isusumite na kay Pangulong Duterte

Nakatakdang i-transmit sa Malacañang ang panukalang batas na layong bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na suspindehin ang mga nakatakdang dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Ito ay matapos ratipikahan ng Kamara at Senado ang bicameral conference committee report para sa House Bill No. 85122 at Senate Bill No. 2027 na nagbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan na ipagpaliban ang premium hike sa SSS.

Ayon kay Senator Richard Gordon, isa sa may-akda at sponsor  ng panukalang batas, mapapagaan nito ang pasanin ng mga miyembro ng SSS sa harap ng COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, ipapataw ang isang porsyentong dagdag sa kontribusyon sa mga miyembro ng SSS kada dalawang taon simula 2019 hanggang 2025.

Ibig sabihin, ang kasalukuyang 12% noong 2020, ang contribution rate ay tataas sa 13% ngayong taon.

Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity mula nang magkaroon ng outbreak ng COVID-19 noong March 2020.

Facebook Comments