Panukalang nagpapalit sa Roosevelt Avenue sa QC bilang Fernando Poe Jr. Avenue, lusot na sa Senado

87

Sa botong pabor ng 22 mga senador ay pasado na sa third and final reading ng Senado ang panukalang batas para palitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City bilang Fernando Poe Jr. Avenue.

Sa House Bill 7499, ang Del Monte Avenue ang pinapapalitan ang pangalan pero nagpasok ng amyenda si Senate President Tito Sotto na ang Roosevelt Avenue ang gawing FPJ Avenue.


Si Senator Manny Pacquiao ang sponsor ng panukala at tinanggap niya ang nabanggit na amyenda.

Sa ilalim ng panukala, may 60 days ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para ito ay ipatupad.

Facebook Comments