Panukalang nagtatakda ng maritime zone ng Pilipinas, pinapasertipikahang urgent ng isang kongresista kay PBBM

Hinikayat ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang panukalang nagtatakda sa maritime zones ng Pilipinas.

Ang panukalang Philippine Maritime Zones Act ay inaprubahan na ng House of Representatives noong Mayo.

Sinabi ni Rodriguez, kung maglalabas ng Presidential certification bilang urgent ay mabilis din itong makakapasa sa Senado.


Diin ni Rodriguez, sa gitna ng patuloy na agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea ay mahalagang maitakda sa lalong madaling panahon ang karagatang sakop ng ating teritoryo kasama ang ating 200-mile exclusive economic zone (EEZ).

Giit ni Rodriguez, ang pagsasabatas sa nabanggit na panukala ay magpapalakas sa pagsusulong ng ating territorial and sovereign rights na umaayon sa mga international laws, agreements at conventions kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments