Panukalang nagtatakda ng National COVID-19 Health Frontliner’s day tuwing March 21, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ni Cagayan De Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang panukalang ideklara ang March 21 kada taon bilang “National COVID-19 Health Frontliner’s Day”.

Sa inihaing House Bill 6774, iginiit ni Rodriguez na dahil sa COVID-19, may mga taong kinailangang magtrabaho sa kabila ng banta ng sakit sa kanilang buhay.

Aniya, ang mga health frontliners din ang nangunguna sa paglaban sa virus sa kabila ng banta sa kanilang kalusugan.


Inaatasan din ng panukalang batas ang Department of Health (DOH) na taunang maglatag ng programa at aktibidad para sa selebrasyon ng National COVID-19 Health Frontliner’s Day.

Facebook Comments