Manila, Philippines – Positibo si Ako-Bicol Rep. Rodel Batocabe na maipapasa sa kongreso ang panukalang National ID system.
Sa harap ito ng pagkontra ng ilang mambabatas na nagsasabing posibleng maabuso at magdudulot lang ito ng “intensified surveillance”.
Pinangangambahan kasi ng Gabriela na baka matulad sa “Comeleaks” ang National ID system kung saan nag-leak sa internet ang voters’ data base ilang araw bago ang halalan 2016.
Giit ni Batocabe, maliban sa address ay hindi naman mga sensitibong impormasyon ang hinihingi ng gobyerno gaya ng kaarawan, kasarian, edad, status at blood type.
Bukod dito, hindi naman aniya pera sa bangko o listahan ng mga pag-aari at negosyo ang hinihingi para sa National ID.
DZXL558
Facebook Comments