Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangang resolbahin muna ng pamahalaan ang pagkalat ng COVID-19 at ang pagkakaantala ng pagdating ng mga bakuna bago ibaba ang bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, kinuwestyon ni Robredo ang basehan ng nationwide MGCQ.
Bagama’t naiintindihan niya na kailangan nang buksan ang ekonomiya, pero sinabi ni Robredo na anong mga basehan kung bakit kailangang luwagan ang restrictions.
Binigyang diin ni Robredo na kailangang balanse ang ekonomiya at kalusugan.
Kahit ibaba sa MGCQ ang buong bansa, sinabi ni Robredo na marami pa ring tao ang takot na lumabas ng kanilang bahay dahil sa mataas na transmission at kawalan ng bakuna.
Ikinababahala rin ni Robredo ang delayed arrival ng mga bakuna lalo na at ang bansa dapat ay mayroong mataas na sense of urgency dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 cases kada araw.