*Cauayan City, Isabela-* Binawi na ni Cauayan City Councilor Rufino Arcega ang ipinanukalang ordinansa na magbibigay ng dagdag na insentibo sa mga opisyal at kawani ng LGU.
Sa naganap na session kahapon ay inamin ni Councilor Arcega na hindi niya ito napag-aralang mabuti bago ipanukala sa konseho kung kaya’t iniurong na niya ito.
Matatandaan na layunin ng panukalang ordinansa na mabigyan ng tulong ang mga kawani na matagal ng nanungkulan sa pamahalaan.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Councilor Arcega, nakasaad sa circular no.2012-003 ng Commission on Audit na bawal ang pamimigay ng dagdag na insentibo sa mga empleyado na matagal sa serbisyo maging sa mga opisyal na nanungkulan ng 3 beses na magkakasunod na termino o higit pa.
Ito’y dahil na rin sa circular no.75 series of 2018 ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat nagbibigay ng dagdag na cash maliban na lamang kung ito ay maisabatas.
Humihingi naman ng paumanhin si Councilor Arcega sa mga empleyado ng LGU Cauayan sa kanyang naging desisyon na bawiin ang sana’y makatutulong sa mga ito.