Panukalang P200 wage hike para sa private workers, inaprubahan na ng Kamara

Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill no. 11376 o panukalang P200 increase sa arawang sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor.

171 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala at isa ang komontra.

Saklaw ng panukala ang lahat ng workers sa private sector, anuman ang kanilang employment status, kasama nasa contractual at subcontractual arrangements, nasa sektor man ng agikultura o hindi.

Kahit maisabatas ang panukala ay maaari pa ring magpatupad ng wage increase ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

May mga insentibo naman na maaaring ipagkaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga maliliit na negosyo na maaapektuhan ng wage hike.

Mahigpit namang ipinagbabawal ng panukala ang pagtanggal o pagbawas sa mga pinagkakaloob na benepisyo sa ilalim ng mga umiiral na batas, utos ng Pangulo o Malacañang at mga kontrata sa pagitan ng mga manggagawa at employer.

Facebook Comments