Panukalang pabilisin at palawakin ang serbisyo ng internet, isinulong sa Senado

Muling inihain ni Sen. Grace Poe ang panukalang batas na “Better Internet” bill na naglalayong pagbutihin ang internet service at access sa buong bansa.

Diin ni Poe, naging pangangailangan na ang internet katulad ng kuryente at tubig at malaki ang papel nito para sa pagtataguyod ng ating kalusugan, edukasyon, negosyo, pamamahala at marami pang iba.

Inaatasan ng panukala ang Internet Service Providers (ISPs) na palawakin ang sakop ng kanilang serbisyo at siguruhin ang minimum at maaasahang bilis ng koneksyon sa internet.


Sa ilalim ng panukala, aatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga Public Telecommunications Entities (PTEs) at ISPs na palawakin ang sakop ng kanilang serbisyo sa fixed and mobile internet sa lahat ng mga lugar na hindi pa naseserbisyuhan o mababa ang serbisyo sa loob ng tatlong taon mula maging epektibo ang batas.

Hinihikayat din ang PTEs at ISPs na magbigay ng mas mataas na internet speed at maghatid ng minimum standard ng bilis ng koneksyon sa kanilang mga subscriber.

Facebook Comments