Voter registration, pormal nang nagtapos ngayong araw

100

Pormal nang nagtapos ngayong araw ang pagpapatala ng mga bagong botante.

Kaugnay ito ng nalalapit na Barangay at SK elections sa December 5.

Bagama’t hanggang alas-3:00 lamang ngayong hapon ang deadline ng voter registration, pinayagan pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) na makapagparehistro ang mga botanteng nakapila at may distansyang 30 meter radius.


Dinagsa naman ng mga aplikante ang huling araw ng pagpapatala kung saan maaga pa lamang ay nakapila na ang registrants.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 2.3-million ang mga nagpatala kung saan lumagpas ito sa target ng COMELEC.

Facebook Comments