Manila, Philippines – Tiwala si House Committee on Justice Chairman Doy Leachon na maaaprubahan ang panukala na nagpapababa sa edad ng criminal liability ng mga ‘children in conflict with the law’ sa siyam na taong gulang mula sa 15 taong gulang.
Sinabi ni Leachon na bago aprubahan ang panukala sa committee level, dumaan muna ito sa masusing pag-aaral at konsultasyon mula sa iba’t ibang grupo at stakeholders.
Napapanahon na aniya na muling ibalik sa 9 years old ang edad ng criminal liability dahil mga bata na ang ginagamit ngayon ng mga sindikato sa iba’t ibang krimen.
Aniya, ang siyam na taong gulang na age of criminal liability ay naipatupad ng 70 taon sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nilinaw ni Leachon na hindi makukulong ang isang batang nakalabag sa batas kundi isasailalim ang mga ito sa confinement at rehabilitation sa Bahay Pagasa o isasailalim sa agricultural camp o training center.
Nakasaad sa panukala na kung ang batang edad siyam na taong gulang pero hindi bababa sa 15 taong gulang na nahaharap sa kasong murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping at paglabag sa Dangerous Drugs Act ay mahaharap lamang sa rehabilitation sa Bahay Pagasa.