Lusot na sa House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Representative Joey Salceda ang panukalang bawasan ang buwis na ipinapataw sa lotto.
Sa ilalim ng panukala, ang mga premyo o panalo sa lotto na mahigit ₱10,000 ay papatawan na lamang ng 10% buwis sa halip na 20% na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ang mga panalo naman na nagkakahalaga ng ₱10,000 pababa ay mananatiling walang buwis.
Inaprubahan din ng komite ang panukala na ibaba sa 10% ang kasalukuyang 20% documentary stamp tax rate na ipinapataw sa mga lotto tickets.
Ito ay dahil sa pag-aaral ng komite, bumaba ang kabuuang kita ng gobyerno mula ng itaas ang buwis sa lotto na nagresulta sa pagliit ng kakayanan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tulungan ang mga mahihirap na pasyente.