Panukalang “Internet Transactions Act,” pasado na sa House Committee on Trade and Industry

75

Inaprubahan na ng House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan ni Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño ang iba’t bang panukala ukol sa internet transactions.

Isinusulong ng mga panukala ang proteksyon at pagtiyak sa “data privacy” ng mga consumer at merchants/sellers na nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng internet.

Inuutos ng mga panukala ang paglikha ng electronic o E-Commerce Bureau na magpapatupad ng regulasyon upang maiwasan ang anumang uri ng panloloko, kasabay ng pagpapataas ng mga nagtitiwala sa paggamit ng internet sa transaksyon.


Ang E-Commerce Bureau ay ipapasailalim sa Department of Trade and Industry (DTI), habang ang mamumuno rito ay itatalaga ng presidente.

Ayon kay Rep. Mariño, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagsulong ng panukala sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa katwirang mabuting ma-regulate ang e-commerce activities, para matiyak ang proteksyon ng publiko na gumagamit ng online transactions.

Facebook Comments