Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill Number 7942 o Agriculture Information System (AIS) Bill.
Hangad ng panukala na mapadali ang pagtukoy at pag-uugnay sa mga magsasaka at mangingisda sa local at global markets.
280 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na nag-aatas sa lahat ng lungsod at bayan sa buong bansa na magkaroon ng agriculture database.
Naglalamam ito ng lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa agricultural at fisheries production data.
Base sa panukala, ang Department of Agriculture ang mangunguna sa pagbuo at pag-merge ng iba’t ibang agricultural data.
Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na ang panukala ay daan para lubos na mapaunlad ang sektor ng agrikultura at malaking tulong din ito para makamit ng bansa ang national food security.