Higit 20 aplikante, hired on the spot sa mega job fair ng PESO Manila katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Umaabot na sa higit 20 ang hired on the spot sa ikinakasang mega job fair ng PESO Manila katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Ilan sa mga natanggap ay magsisimula na bilang electrician, office staff, housekeeping, crew, sales personnel at iba pa.

Nasa 60 kompanya ang nakibahagi sa mega job fair kung saan maraming bakanteng trabaho ang maaari nilang maaplayan tulad na lamang sa call center, restaurant, malls, food chain at mga warehouse.


Isa sa mga nakapanayam natin ay si Ginang Minerva Medina, 44-anyos na papasok na bilang housekeeping sa may area ng BGC Taguig.

Nasa halos 20 na rin na nag-register sa booth ng DZXL Radyo Trabaho kung saan nakatanggap ng mga freebies tulad ng ballpen, pamaypay at coin purse.

Habang ang lima sa mga hired on the spot ay nabigyan ng wall clock mula ng DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments