Panukalang pagbuo ng regulatory board para sa mga internet games, inihain sa Kamara

Isinusulong sa Kamara ang panukalang pagbuo ng isang regulatory board upang suriin ang mga larong nakalagay sa mga internet shops at yung mga maaaring makuha ng publiko via online.

Ito ay matapos inihain ni Nueva Ecija 3rd District Representative Rosanna Vergara ang House Bill 3112 o ang Internet Games Review and Classification Act na layong bawasan ang exposure ng kabataan sa mga bayolenteng laro na naglilipana ngayon.

Napakaloob kasi sa panukala na bubuo ng isang Internet Games Review and Classification Board (IGRCB) upang i-review at i-kategoriya ang mga online video games batay sa age-suitability at appropriateness.


Dahil dito, kailangang magsumite ng mga internet service providers ng listahan ng mga laro na siyang sasailalim sa review at classification ng IGRCB.

Ibig sabihin hindi maaaring laruin ang isang internet game kung wala itong kaukulang review at classification mula sa naturang ahensya.

Dagdag pa rito, kailangan ding magparehistro ng mga internet café operators sa IGRCB na siyang magiging pre-requisite upang makakuha ng business permit.

Magmumulta naman ng 50,000 hanggang 300,000 at makukulong ng tatlo hanggang isang taon ang mga lalabag dito habang subject for revocation ang linsensya ng internet café na lalabag sa naturang panukala.

Facebook Comments