Senator Joel Villanueva, nagpositibo sa COVID-19

64

Nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Ito ang ibinahagi ni Villanueva kagabi matapos magbigay ang kaniyang tanggapan ng kopya ng kaniyang RT-PCR test result na kinuha niya kinaumagahan.

Si Villanueva na ang ika-limang senador na nagpositibo sa COVID-19 kung saan naunang nagpositibo sa sakit sina Senador Imee Marcos, Grace Poe, Alan Peter Cayetano at Cynthia Villar.


Mababatid na nagpatupad si Senate President Juan Miguel Zubiri ng mas mahigpit na health and safety protocols sa loob ng Senado upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments