
Magkatuwang na isusulong nina House Majority Leader Sandro Marcos at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na maisama sa priority measures ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang panukalang batas na buwagin ang pagpapataw ng travel tax.
Ang panukala ay inihain ni Rep. Sandro Marcos at si Senator Zubiri naman ang maghahain nito sa Senado.
Umaasa si Congressman Sandro na maisasama ito sa prayoridad na mga panukala ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Rep. Marcos, pahirap sa mga Pilipinong bumabyahe at dayuhang turista ang travel tax.
Naniniwala rin si Marcos na hindi ito nakakatulong sa pagpapalakas ng ating turismo at ekonomiya.
Facebook Comments










