Vineto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Senate Bill No. 2490 o House Bill no. 9088 na mas kilala din bilang panukalang batas na layong palakasin ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).
Ito ay kinumpirma ni Executive Secretary Atty. Victor “Vic” Rodriguez kung saan kabilang sa mga dahilan kung bakit vineto ng pangulo ang naturang panukala ay ang labis na bayad na ibibigay sa mga abogado nito.
Gayundin, ang pagbibigay ng supervision at kontrol sa mga legal na bentahan ng mga korporasyon ng pamahalaan.
Dagdag pa, ang pagbaluktod ng relasyon sa Secretary of Justice at ang posibleng paglabag sa one transfund monety ng gobyerno.
Facebook Comments