Panukalang pagpapalawig sa bisa ng lisensya ng baril, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Sa  boto ng 20 mga senador ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na nagpapalawig sa validity o bisa ng lisensya sa pagmamay-ari ng baril at mga bala.

Ito ay ang Senate Bill 1155, na nag-aamyenda sa Republic Act no. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim ng panukala, ang renewal ng registration ng mga baril ay gagawin kada limang taon mula sa kasalukuyang apat na taon lamang.


Sinumang mabibigong magparehistro ng baril kada limang taon ay babawian ng lisensya at kukumpiskahan ng armas.

Pinapalawig din ng panukala ang bisa ng permit sa pagbibitbit ng baril sa labas ng bahay sa dalawang taon mula sa kasalukuyang isang taon lamang.

Sa datos na ibinigay ng PNP, nasa 1.8 million ang registered firearms nitong August 31, 2019 kung saan 45 percent o higit 800,000 nito ang hindi na renew ang lisensya.

Facebook Comments