Panukalang pagpapalawig sa E-VAWC, nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8009 o Expanded Anti-Violence Against Women and their Children (E-VAWC) Act.

Panukala ay isinama na ang electronic violence na hindi pa nakapaloob sa kasalukuyang Republic Act 9262 o VAWC.

Inaatasan ng panukala ang mga internet service provider na agad i-take down o alisin ang mga electronic violence, at ituturing na obstruction of justice kapag hindi sila nakipagtulungan sa mga awtoridad.


Nakapaloob din sa panukala ang multa na P300,000 hanggang P500,000 para sa mga lalabag sa E-VAWC bukod sa pagkakakulong.

Facebook Comments