Panukalang pagpapaliban sa Brgy at SK Elections, ratipikado na ng Senado

Mananatili hanggang 2022 ang kasalukuyang mga halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan matapos ratipikahan ng Senado ang pinal na bersyon ng panukalang pagpapaliban sa May 11, 2020 barangay elections.

Ayon kay Senator Imee Marcos, na siyang chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, ipapadala na ang enrolled copy ng ratified version sa Palasyo para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas.

Itinatakda ng naipasang panukala ang susunod na Brgy elections sa December 2022 at isasagawa ito sa unang Lunes ng Disyembre kada tatlong taon.


Ito na ang ikatlong postponement ng Barangay at SK elections sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments