Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 4673 o panukalang ipagpaliban sa unang Lunes ng December 2023 ang Barangay at Sangguniang Kabataan o BSK Elections na nakatakda sa Dec. 5, 2022.
264 ang mga kongresista na bumoto pabor sa panukala, anim ang kumontra at tatlo ang abstention.
Kabilang sa kumontra ay mga kongresista ng Makabayan Bloc.
Kapag naisabatas ang panukala ay mananatili sa posisyon ang kasalukuyang mga opisyal ng barangay maliban na lamang kung masususpinde o maaalis sila sa pwesto.
Ang mga mananalo namang Barangay at SK officials ay magsisimulang manungkulan sa Enero 1 ng kasunod na taon matapos ang eleksyon.
Facebook Comments