Legazpi City – Nilinaw ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na isang Executive Order at hindi ordinansa ang kanyang kautusan kung saan kailangan ipatala sa barangay ang bawat bisita na pumapasok sa kanilang lungsod.
Ayon kay Rosal, hindi pa ito naipapatupad dahil kailangan pa itong pag-aralan at pirmahan ng city council.
Sa ilalim ng EO, inaatasan ng alkalde ang pitumpung (70) barangay sa Legazpi gumawa ng kaparehas na resolusyon para i-monitor ang lahat ng mga pumapasok sa kani-kanilang nasasakupan.
Nakasaad ditto, kapag nagtagal ng 24-oras ang isang bisita ay kailangan na itong magpalista sa barangay.
At bilang regional peace and order chairman, tugon ito ng city government sa war on drugs ng Duterte administration kung saan maari nitong mapigilan na makapasok sa kanilang lugar ang ilegal na droga gayundin ang paglaban sa terorismo.
Naniniwala naman si Rosal – walang malalabag sa karapatan pantao dahil para lamang ito sa kanilang seguridad.