Panukalang pagparusa sa foreign currency smuggling, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa bulk foreign currency smuggling.

Ito ang bultong pagpupuslit ng foreign currency na higit sa $10,000 sa pamamagitan ng fraud o panloloko, misdeclaration at iba pang pamamaraan papasok o palabas ng bansa.

266 ang mga kongresista na bomoto pabor sa House Bill No. 8200 o “Anti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act.”


Inaatasan ng panukala ang Bureau of Customs na pangunahan ang pagpapatupad nito at sinumang lalabag ay makukulong ng hanggang 14 at pagmumultahin ng doble sa halaga ng ipinuslit na foreign currency.

Pinapahintulutan ng panukala ang Bureau of Customs na pansamantalang kumpiskahin ang nasabat na foreign currency o foreign currency-denominated bearer monetary instruments mula sa indibidwal na pinaghihinalaang lumabag sa panukala.

Inaatasan din ang BOC na iulat sa Anti-Money Laundering Council ang insidente ng bulk smuggling para sa imbestigasyon at posibleng paglabag sa ilang batas.

Facebook Comments