Manila, Philippines – Pasado na sa House Ways and Means Committee ang panukala na nagtatanggal sa Value Added Tax o VAT sa singil sa system loss sa kuryente.
Unanimous ang naging botohan matapos maghain ng mosyon si Cagayan de Oro Rep. Maximo Rodriguez na pagbotohan na ang panukalang house bill 1616 ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
Ang nasabing panukala ay unang inihain nuong 16th congress ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.
Good news ito para kay Zarate, dahil mababawasan ang bayarin ng mga consumers sa kuryente.
Anya, isang kalokohan kasi ang singil na VAT sa system loss dahil hindi naman ito nagamit ng mga consumers.
Sa pagtaya, ang system loss ay walong porsyento ng bill sa kuryente ng bawat consumer kada buwan.
Facebook Comments