Panukalang pagtatatag ng CAR, aprubado na sa Kamara

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas para sa pagtatatag ng Cordillera Autonomous Region o CAR.

Naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10789 sa botong 189 na sang-ayon at wala namang pagtutol.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang isang regional government sa CAR katulad ng sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Dito ay mabibigyan ng karapatan sa tunay na awtoridad at makabuluhang pamamahala ang CAR.

Tutukuyin din ang mga masasakop ng Cordillera Autonomous Region (CAR) at “identity” ng mga Cordilleran.

Pinabibigyan naman ang CAR ng patas na parte ng pondo mula sa national budget at development assistance, maliban pa sa share nito sa mga kinokolekta mula national revenues gaya ng iba’t ibang buwis.

Facebook Comments