Panukalang pagtatatag ng Center for Disease Prevention and Control, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 255, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 6522 o panukalang pagtatatag ng Center for Disease Prevention and Control o CDC ng Pilipinas sa ilalim ng Office of the Secretary ng Department of Health (DOH).

Pangunahing layunin ng panukala na maprotektahan ang mga Pilipino mula sa epekto ng lahat ng uri ng mga sakit.

Mandato rin ng itatatag na CDC ang paglalatag ng mga istratehiya at patakaran para sa disease prevention and control.


Kasama rin sa trabaho ng CDC ang makipag-ugnayan sa mga global CDC at kumilos bilang national focal point ng Pilipinas para sa International Health Regulations hazards.

Pamumunuan ang CDC ng isang director general, na mayroong rank na undersecretary, at itatalaga ng presidente base sa rekumendasyon ng DOH secretary.

Facebook Comments