Pekeng contractor na sangkot sa panloloko sa mga nagpapatayo ng bahay, arestado ng CIDG

Hawak na ngayon ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang isang pekeng contractor na sangkot sa “build now, pay later” scheme.

Kinilala ni CIDG Director PBGen. Ronald Lee ang suspek na si Peter Francis Manalastas Miranda ng Metrogate Mining, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Gen. Lee, nasa higit 20 katao na ang nabiktima ni Miranda.


Modus nitong magpanggap na isang lisensyadong contractor na nag-aalok ng murang pagtatayo ng construction project partikular sa Central Luzon at Davao Region.

Sa mga reklamong natanggap ng CIDG, matapos makapagbigay ng down payment ang mga biktima ay maglalaho na rin ng parang bula ang suspek.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong robbery extortion at estafa laban kay Miranda.

Facebook Comments