Aprubado na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Full Council ang panukala na pagtatatag ng permanent NDRRMC Commitee on Dam Safety and Operations at pagbuo rin ng Inter-Agency National and Regional Committee on Dam Safety.
Inaprubahan nila ito matapos ang ginawang pag-aaral at presentation ni Director Techson John Lim ng Office of Civil Defense Technical Working Group.
Noong nakalipas na taon nang simulang pag-aralan ang panukala dahil na rin sa epekto ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Kaya naman tututukan na ang NDRRMC Committee ang Protocol Fort Dam Management kasama na rito ang pagbibigay ng maagang babala sa pagpapalabas ng tubig mula sa dam bago ang pagdating ng malakas na pag-ulan o bagyo at habang nararanasan ang masamang panahon.
Ang NDRRMC Full Council Meeting ay pinangunahan ngayong araw sa pamamagitan ng Zoom meeting na dinaluhan ng iba’t ibang pinuno ng mga ahensya ng gobyerno.
Bukod sa dam management, pinag-usapan din ang update sa galaw ng tropical storm Auring, La Niña, aktibidad ng ilang bulkan sa bansa at iba pang ongoing disaster management initiatives.